SINGKABAN FESTIVAL: Hiwagang Tinatago ng Bulacan

Sa dalawampu’t isang taon ko bilang mamamayan ng mundo, masasabi kong hindi ko pa lubos na kilala ang planetang ginagalawan ko. Maraming hiwaga at misteryong mahirap tuklasin at hindi maipapaliwanag ng basta-basta ng siyensa. Subalit, sa mumunting paraan, maaari kong umpisahan ito sa mga maliliit na bagay tulad ng paglinga ko sa ating bansa. Hindi man mga hiwaga ang makita ko, ay mabuti nang mag-umpisa sa mga kakatuwang misteryong kaya kong mabatid. Ang mga misteryong ito ang bumubuo sa kultura at mga tradisyong kinalakihan na natin. Hindi lamang tungkol sa tao ang tradisyon, ngunit pati na rin sa iba pang bumubuo sa isang lugar.

Naumpisahan ko na ito sa pag-aaral. Dahil sa Sibika at Kultura, HeKaSi, at Araling Panlipunan, ay unti-unti ko nakikilala ang bansang kinalalakihan ko. Ngunit sa ngayon, hindi ang mismong Pilipinas ang gusto kong tukuyin… ang lalawigan ang nais kong kilalanin ngayon. Ang probinsya kung saan ako nagmula. Gaano nga ba natin kakilala ang pinagmulan nating lalawigan? Hindi ba’t kapag nasa ibang lugar tayo ang unang tinatanong ay ang probinsya nating pinagmulan? Mas kilala kasi ang pangalan ng mga probinsya sa Pilipinas kaysa sa mga bayan ay siyudad nito. Tama na ang History 101, baka kung saan pa ako mapunta.

Ang totoo niyan, gusto kong makilala ang Bulacan… naalala ko kasing bigla na ngayon nga pala ang umpisa ng Singkaban Festival. Mahilig ako sa mga kasiyahan, lalo na kapag may mga tugtugan at rakrakan. Isa ata yun sa mga katangian ng pagiging Bulakenyo, ang pagiging mahilig sa music. Teka muna, ano-ano nga ba ang alam ko tungkol sa Bulacan? Kung historical ang pag-uusapan medyo madami, ‘sang tambak ang mga bayaning taga rito e. Kakabit ng mga bayaning ito ang mga landmark o historical places na nagkalat sa kung saan-saan dito sa Bulacan. Magmula sa mga bahay, simbahan, park, kalye, hanggang sa mga tulay ay landmark ng history ng Pilipinas. Kung tutuusin parang capital na nang Pilipinas ang Bulacan kung tungkol sa history ng bansa ang pag-uusapan.

Hindi lang siguro tungkol sa mga bayani’t historical places ang Bulacan, kinikilala din ito mula noon hanggang ngayon dahil sa mga magagandang nilalang na taga rito. Ayon sa mga “dayo,” maririkit at makikisig (ehem) ang mga Bulakenyo (paulit-ulit ko na ding naririnig kahit na nasa ibang lugar ako) pero sabi ko naman, “saang parte?” (hehehe, biro lang po.) Dahil dito, sinasabing ang pangalang Bulacan ay nagmula sa Bulaklakan, na hinahalintulad sa mga kadalagahang taga-rito. Ngunit may nagsasabi ding mula ito sa salitang Bulak. (‘Yan ang tinatawag na hiwaga… san nga ba talaga nagmula kuya???)

Anyway, bago pa ako maguluhan ng tuluyan sa hiwaga’t misteryo sa pangalang ‘Bulacan,’ ay gusto ko pang mabatid kung ano pa nga ba ang mga nalalaman ko tungkol dito? Ahmmm… inipit? enseymada? minatamis? nakakagutom!!!! Ilan lamang ito sa mga alam kong sikat na pagkain dito. Kumbaga, ito ang mga Bulacan’s finest pagdating sa pagkain. At sa Singkaban ata mattikman ito… makapunta nga! (hehehe.)

Ano nga ba ang Singkaban??? Dito sa aming bayan sa Hagonoy ay sikat na sikat pa din ang paggamit ng singkaban lalo’t may mga selebrasyon tulad ng kasal at mga kapistahan. Pagkakaalam ko, ang gumagawa usually ng mga singkabang nakatayo sa Kapitolyo ng Bulacan ay taga Hagonoy. E ano nga ba yun? Ang singkaban ay yung kawayang arko na kinayas at pinalamutian na karaniwang makikita sa mga entrance ng isang selebrasyon, ‘yun ‘yon! Ang Singkaban Festival na ang ibig sabihin ay Sining at Kalinangan ng Bulacan ay ilang taon na ding ginagawa, kung saan ipinamamalas ng mga bayan sa Bulacan ang kanilang mga maipagmamalaki.

Sabi ko nga kanina, ang kultura’t tradisyon ang sumasalamin sa mga misteryong bumabalot sa lalawigan, kaya ang bawat bayan ay pinamamalas nila ang mga misteryong ito upang buuin ang isang lalawigan. Sa 24 na bayan sa Bulacan, 3 sa mga ito ang kinikilala nang siyudad. Bawat isa ay may uniqueness na dala. Ang Singkaban Festival din ang sinasabing mother of all festivities sa Bulacan, dahil napagsasama-sama dito ang mga tradisyon sa iba’t ibang bayan tulad ng mga sumusunod:

1. Malolos – Sto Nino Festival (January)
2. Calumpit – San Juan Libad & Fluvial Parade (June)
3. Pulilan – Carabao Festival (May)
4. San Rafael – Angels Festival
5. Plaridel – Gotong Festival (July)
6. Guiginto – Halamanan Festival
7. Hagonoy – Disposorio Festival (July)
8. Marilao – Luya Festival
9. Bocaue – Krus ng Wawa Fluvial Parade
10. Paombong – Sukang Paombong Festival (December)
11. Obando – Fertility Festival (May)
12. Baliuag – Lenten Procession (March/April)

Matagal ang paghahanda para sa selebrasyon na ito, tingin ko sinisimulan nila ang final na paghahanda tuwing August 15 which is Bulacan Day, at nag-uumpisa ang Festival tuwing September 8, birthday ni Virgin Mary (ngayon!) at natatapos ito tuwing ika-15 ng Setyembre. Last year, 30 minutes fireworks display ata ang tumapos sa festival… ewan ko lang ngayong taon na ito.

Marami pa nga siguro ako dapat malaman tungkol sa aking lalawigan, pero alam ko naman na hindi lahat ay malalaman ko. Kulang ang buhay na ito para tuklasin ang lahat. Ayoko din namang mabaliw o tumanda na puro ito lang ang aking pagtutuunan ng pansin, may pangarap din akong gumimik noh! Siguro mas maganda kung i-ENJOY na lang natin ang bawat kasiyahang hatid ng mga hiwaga’t misteryong babalot sa pagkakakilanlan ng ating lalawigang kinalakhan.

WEH!?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.