Gawaing Pang HAGARD

Dahil nawala na ang pinakamamahal kong cellphone, napapadalas na ngayon ang pag-iinternet ko which is bad para sa akin dahil maraming kailangang pag-ukulan ng pansin kaysa sa pagse-surf sa net (baka maadik na naman ako e). At isa pa, dahil wala na nga akong cellphone wala na akong mapaglalagyan ng mga schedule ko every week (kaya wala din akong choice kundi mag net pa din). Ano-ano nga ba ang mga gawain this week?

Ngayon, September 10, aasikasuhin ang soundtrack ng aming TVC. Isa pa nga pala ‘yung copy (script) ng radio ad ay kailangang mai-send kay ninzki. Mag-eedot na din siguro ako ng thesis namin. Speaking of thesis, kailangan ko pa palang mag uniform mamaya para puntahan ang aming dean para kunin ang chapter 4 namin, pambihira!!! Ang dami pa lang dapat gawin ngayon!

Sept. 11 (Friday). Pupunta ako sa bukid para dalawin ang lolo ko. Kailangan ko na din siyang madalaw, since a month na yata kaming hindi nakapunta sa kanya. Libad at Pagoda nga din pala sa bukid kaya kailangang magdala kami ng extra damit. Mukhang gustong umabsent ng kapatid ko sa school para makasama, isasama ko ba??? Buti na lang at nilipat ng saturday ang klase namin ng advertising.

Sept. 12 (Saturday). Kailangan 9am ay nasa CEU Mendiola na kami for the meeting. At sa hapon naman ay may klase kami kay sir Ed, kasabay ng submission ng mga radio ads naming ginawa. After ng class ay sa Divisoria naman kami tutuloy togeteher with my groupmates para sa packaging. Pagkatapos nito ay tutuloy na kami sa Rosario, Pasig para naman sa radio advertisement ng aming produkto. Malamang Sunday na kami makauwi.

Sept. 13 (Sunday). Sabi ko nga, malamang nasa Pasig pa din kami. Kailangan na din matapos ang design ng packaging at yung layout ng tarp namin, pati na din siguro ang booth.

Sept. 14 (Monday). Kailangang tapusin na ang paghihirap sa chapter 5 ng thesis namin. Sana OK na ang printer nila SK.

Sept. 15 (Tuesday). Sa ngayon wala pa akong natatanggap na magaganap sa araw na ito, pero possible na about sa chapter 5 ng thesis at advertising booth ang lumgar dito.

Sept. 16 (Wednesday). Pasahan na ng chapter 5

Ito muna ang pansamantala kong taga tala.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.